Pnoy-iba-pang-opisyal-pinakakasuhan-sa-iloilo-oil-spill

Pinapakasuhan ng grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) sina Pangulong Benigno Aquino III at iba pang opisyal ng pamahalaan kaugnay sa oil spill sa Estancia, Iloilo noong nakaraang buwan.

Paliwanag ni Pamalakaya national vice-chairman Peter Gonzales, lalong naging miserable ang mga mangingisda sa Estancia dahil bukod sa paghagupit sa kanilang lugar ng super typhoon Yolanda noong Nobyembre 8 ay pinalala pa ito ng oil spill na nagmula sa nabahurang barge ng National Power Corporation (Napocor).

Aniya, bukod sa Pangulo, dapat ding kasuhan sa Department of Justice sina Napocor president Gladys Sta. Rita, Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ramon Paje, Department of Energy (DoE) Secretary Jericho Petilla.

Idinahilan ng grupo, na labag sa karapatan sa balanced ecology ang nakadidismayang aksyon ng pamahalaan sa nasabing insidente na hanggang sa kasalukuyan ay nananatili pa rin ang masamang amoy sa dalampasigan ng nasabing bayan na nagresulta sa paglikas ng mga apektadong residente.

Sinabi pa ni Gonzales, nagugutom na rin ang mga residente sa lugar na ang tanging ikinabubuhay ay ang pangingisda. – Rommel P. Tabbad

Source: Balita

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *