Mangingisda apektado sa planong bagong airport sa Cavite
MANILA, Philippines – Kinontra ng iba’t ibang grupo ng mangingisda ang planong bagong international airport sa probinsiya ng Cavite kung saan 2,700 hektarya ng katubigan ang isasailalim sa reclamation project.
Sinabi ng grupong Pamalakaya na higit 20,000 mangingisda ang maaapektuhan sa proyeto ng gobyernong itayo ang paliparan sa Sangley Point.
“The 2,700 hectare Sangley Point reclamation project which will give way to the construction of new international airport will destroy portions of Manila Bay in the province which is considered as a major spawning ground of fish and other salt water species,” pahayag ni Pamalakaya vice chairperson Salvador France.
Nauna nang sinabi ng Department of Transportation and Communication na tinitignan nila ang Sangley Point sa Cavite at Laguna de Bay bilang bagong puwesto ng paliparan upang palitan ang siksikang Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City.
Aminado ang DOTC na kinakailangan ng malaking reclamation project dahil aabot sa 2,000 hektarya ng lupa ang kailangan sa bagong paliparan.
“Twenty six thousand fishing families or roughly 156,000 people will be immediately dislodged from their livelihood and communities and what the government will offer for survival of a lifetime is P 15,000 for each of the displaced family,” sabi ng mga mangingisda.