Bacoor Reclamation

Mussels farm in Bacoor City, Cavite province, south of Metro Manila.
Fisherfolk community in Bacoor City, Cavite province, south of Metro Manila, threatened by a reclamation project in Manila Bay.

Matapos bisitahin ang tahungan, babalik ng komunidad ang magdaragat na si Boy, 39 taong gulang.

Isa si Boy sa maraming magdaragat at residente ng tabing-dagat na tatamaan ng 420-ektaryang reklamasyon ng lokal na pamahalaan ng Bacoor sa pangunguna ni Mayora Lani Mercado-Revilla.

Ayon sa noo’y aktres at ngayo’y alkalde, target gawing mala-Bonifacio Global City (BGC) ng Taguig ang bayan ng Bacoor. Sa 700 ektaryang munisipal na pangisdaan ng bayan, 300 ektarya na lang ang ititira para sa mga tahungan, habang tatambakan ng lupa ang 420 ektarya para sa pang-kumersyal at pang-negosyong gamit.

Kapalit ng ibinabanderang “kaunlaran” ay ang pagpapalayas ng libu-libong magdaragat at mamamayan ng Bacoor. Kapalit ng ambisyong mala-BGC ay ang kabuhayan ng mga magdaragat na nagpaunlad sa industriya ng tahong at talaba, kung saan nakilala ang Bacoor.

Hindi BGC, hindi mga kagaya ng Revilla Business Park ang kailangan ng mga taga Bacoor. Kundi ang pananatili sa kanilang komunidad, sa tabing-dagat kung saan sila marangal at ligal na kumukuha ng ikabubuhay para sa kanilang mga pamilya.

#BacoorBayNotForSale
#TambakNiAteLani
#StopReclamation

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *