-
“Hiniling ng Pamalakaya sa Department of Justice (DOJ) na imbestigahan at kasuhan si Pangulong Noynoy Aquino at iba pang opisyal kaugnay ng oil spill sa Estancia, Iloilo.”
Hiniling ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) sa Department of Justice (DOJ) na imbestigahan at kasuhan si Pangulong Noynoy Aquino at iba pang opisyal kaugnay ng oil spill sa Estancia, Iloilo.
Sa demand letter kay DOJ Secretary Leila de Lima, iginiit ni Pamalakaya National Vice Chairman Peter Gonzales na pinalubha ng oil spill mula sa sumadsad na barge ng National Power Corporation (Napocor) ang sitwasyon ng mga mangingisdang sinalanta rin ng Bagyong Yolanda noong Nobyembre 8.
Bukod kay PNoy, nais nilang maparusahan sina Department of Energy (DOE) Secretary Jericho Petilla, Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Ramon Jesus Paje, Napocor President Gladys Sta. Rita at iba pang opisyal ng Napocor.
Katwiran pa ng Pamalakaya, labag sa karapatan sa balanced ecology ang nakadidismayang pagtugon ng pamahalaan sa oil spill.
Partikular na tinukoy ng grupo ang anila’y pagkabigo ng gobyernong malinis ang insidente hanggang noong December 6 deadline. Report from Alex Calda, Radyo Patrol 43
Source: DZMM